I just couldn’t imagine a two year old child na tumitira ng rugby kasama ang tatay nya! Nagulat ako ng husto ng makita ko ang mag ama sa ilalim ng foot bridge ditto sa banawe - quezon ave. na parehong tumitira ng rugby. Nung una hinde ko pinanasin dahil ang akala ko ang dala dala lang ng bata ay plastic na me kung anong laman habang tumatakbo papunta sa kanyang ama, marahil ang lubos na nakaagaw ng aking pansin ay ang kanyang itsura na sa ilit nyang yon na parang noong nakaraang linggo lang ata natututong lumakad ang bata ay nasa gita na ng kalye na mukang ang saya saya na may bitbit na kung ano patungo sa kanyang ama na nakaupo sa ilalim ng poste.
Dahil walang pang dumadaan na fx ng mga panahong yon, napunta sa kanilang mag ama ang aking atensyon at ang lalong nang agaw ng aking atensyon ay nang simulan ng batang langhapin ang natutuyong rugby sa loob ng plastic pagkandong nya sa kanyang ama (although I must say that im not really sure if that is his father, but since the child is with him… I assume) na kung saan ay mayroong ding hawak na plastic ng rugby sa kanyang kamay at sinisinghot din ito.
Aaminin ko sobrang kumulo ang dugo sa ama ng bata kung tatay man nya yon dahil ang lakas ng loob nyang gawin at bigyan ng buhay ang batang yon na hinde naman pala nya kayang bigyan ng matinong buhay ito at nakuha pa nyang pagamitin ng rugby ito, pero naisip kong at this point marahil tuyo na rin ang kanyang isip kaya marahil wala na itong kakayahang magisip pa kung ikabubuti ng batang kasama nya o ikasasama ang rugbing kanilang pinagsasaluhan. Pinilit kong kunan ng larawan ang mag ama gamit ang aking celfone pero hinde sapat ang fixel ng aking telepono para makunan ang mag ama na nasa gitna, pero pinilit ko pa ring kunan ng larawan pero sa bagal mag process ng phone ko ang lagi ko lang nakukunan ay ang mga sasakyang nagdaraan!
Habang pinagmamasdan ko ang batang naglalaro kasama ang kanyang ama, nalungkot ako para sa kanya dahil at his age and at his status at that very moment im not really sure if he is really happy and enjoying the moment with his father or it is just the effect of the rugby sa kanyang katawan.
Well kakalungkot mang isipin, makakapag celebrate pa kaya ang batang iyon ng kanyang 6th birthday na kung saan ay maari na syang pumasok sa paaralan at matutunan ang mga bagay bagay na dapat nyang malaman!
Posted in reality | 1 Comment »


Lets continue the Taong grasa thing!!
rare
scenario outside the busy street of the metro… well me most I hate being outside! But have you guys noticed those people that somehow living their own world to far from our busy world… those people that we really hate being around
